Umabot na sa 1,100 katao ang napaulat na nawawala, dalawang linggo matapos unang mapaulat ang malawakang wildfire sa Hawaii.
Umabot na rin sa 115 katao ang namatay mula sa nasabing sunog.
Sa kasalukuyan, pahirapan pa rin ang pagkilala sa mga narekober na katawan kung san kinakailangan na ng Federal Bureau of Investigation na hingin ang tulong ng mag pamilya ng biktima sa pamamagitan ng kanilang mga DNA sample.
mula as 1,100 katao na napaulat na missing, inaasahan pang lalong madadagdagan ang bilang ng mga nawawala habang patuloy na naghahain ng report ang mga pamilyang nawalan ng mga kaanak.
Maging ang bilang ng mga namatay ay inaasahan ding lalo pang tataas.
Sa ngayon, 27 pa lamang mula sa 115 na narekober na katawan ang natutukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan.