-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 4.3 magnitude na lindol ang bahagi ng Western Visayas kaninang umaga, ayon sa PHIVOLCS.
Base sa datos, naitala ang lindol alas-9:21 ng umaga na may lalim na 10 kilometro at natukoy sa layong 8 kilometro timog-kanluran ng Guimbal, Iloilo.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naramdaman ang Intensity III sa Jordan, Guimaras; Intensity II sa Iloilo City; at Intensity I sa San Lorenzo, Guimaras.
Patuloy naman ang paalala ng mga otoridad sa publiko na manatiling alerto sa posibleng aftershocks mula sa nasabing lindol.















