-- Advertisements --
Tinanggal na sa puwesto ang dalawang pulis driver ng PNP coaster na sangkot sa aksidente sa EDSA bus lane.
Ayon kay PBGen. Noel Vallo , Philippine National Police Logistices Support Service, na kanilang pinagpapaliwanag ang nasabing nasangkot na driver.
Giit ni Vallo na mahigpit ang pagpapatupad nila ng zero-tolerance sa anumang pang-aabuso ng mga kapulisan.
Una rito ay mahigpit na ipinag-utos ni PNP chief Police General Jose Melecio Nartatez Jr ang imbestigasyon ukol sa nangyaring insidente.
Ang dalawa ay pansamantalang dinala sa PNP admin holding section habang gumugulong pa ang imbestigasyon.
















