-- Advertisements --
image 2

Ipinadala ng Philippine Navy ang missile frigate na BRP Antonio Luna (FF-151) na kabilang sa inaugural ng ASEAN-India Maritime Exercise (AIME) 2023 sa Singapore mula Mayo 2 hanggang 8.

Tampok sa isasagawang maritime drills ang harbor at sea events na layong mapahusay pa ang interoperability at palitan ng best practices ng mga kalahok na hukbong-pandagat sa rehiyon.

Pinangunahan ni Fleet- Marine Ready Force Commander BGen. Edwin Amadar ang send-off ng 140-man contingent ng Naval Task Group 80.5 sakay ng BRP Antonio Luna na isinagawa sa naval Operating Base sa Subic noong Huwebes.

Nagsagawa ang mga crew ng barko ng visit, board, seizure at search training kaugnay sa pag-capture sa barko ng kalaban para sa counterterrorism at paglaban sa smuggling at piracy na pinangunahan ng Naval Special Operations Command habang naglalayag patungo sa Singapore.

Ang partisipasyon ng Philippine Navy sa naturang maritime exericse ay pagkumpleto sa requirement para malinang ang kakayahan ng mga kanilang personnel sa dumaraming modernong assets nito.