-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tinapos na ng pambato ng Sorsogon ang kaniyang Miss Universe Philippines 2020 journey.

Ito ay ilang araw matapos magnegatibo na sa COVID (Coronavirus Disease) si Maria Isabela Galeria at ang municipal councilor na ama.

Sa social media post ni Galeria, ibinahagi nito na bagama’t COVID survivor na, mistulang hindi pa aniya siya handa sa muling pagsabak sa MUP activities.

Kahit aniya naroon ang “willpower” sa paglahok sa pageant subalit tila hindi nakikibahagi ang katawan na hindi niya kontrolado.

Inamin naman ni Galeria na matagal na pinag-isipan at iniyakan pa, ang mabigat sa dibdib na desisyon.

Hindi naman nakalimutang pasalamatan ng 22-anyos na Sorsogon beauty ang lahat ng sumuporta sa kaniyang MUP journey at hangad ang pang-unawa sa pagpapasya.

“I’m forever grateful to each of you who invested so much time and effort in helping me through this journey; however, even with a strong will to fight, my body is not well conditioned yet.
With a heavy heart, I believe now is not the right time to join the pageant. I still feel tired, and I don’t think my body will allow me to participate in the activities of Miss Universe Philippines.
I hope you understand this is something beyond my control. I’ve thought hard and cried for so many nights about this. I have the willpower, but my body is not cooperating.
I’m praying for your utmost understanding.”

Samantala, bumaha ang mga mensahe ng suporta at panalangin para sa sana’y kinatawan ng Sorsogon sa MUP 2020.

Sa Oktubre 25 ang pinakaabangang coronation sa first ever Miss Universe Philippines 2020 na gaganapin sa Baguio City.