Aminado si Marco Gumabao na hindi ito sang-ayon sa naging desisyon ng Miss Universe Philippines (MUP) kung saan second runner-up lamang ang kanyang kapatid na si Michelle.
Nabatid na ang 28-year-old volleyball star mula Quezon City ang isa sa maugong na pangalan na paboritong manalo sa 1st ever MUP.
Pero ayon sa 26-year-old actor, hindi rin ito ang panahon para maging bitter kaya binabati niya ang kanyang ate.
Una nang iginiit ng nakatatandang Gumabao na tanggap nito ang pagkatalo kung saan ang pambato ng Iloilo ang kinoronahan bilang kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2020.
“I left this morning sa BCC [Baguio Country Club] while the pageant was ongoing. I knew who won last night pa I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened all the hugs all the looks I couldn’t handle that,” saad nito sa pamamagitan ng pageant camp na Aces and Queens.
“I can handle defeat hahahaha. I can’t handle the people asking me why why why…I’m sharing this with you because you deserve to know my side, we don’t need to defend to anyone. I did my best and I have no regrets.”
Kung maaalala, si Gumabao ay minsang naging “binibini” candidate at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Globe 2018 kung saan siya ay nagtapos sa Top 15.