Bb Pilipinas Gazini Ganados
Bb. PIlipinas/ Twitter post

Nananatiling paboritong manalo ang pambato ng Pilipinas at Thailand para manalo sa 2019 Miss Universe.

Ito ang lumabas na resulta ng tatlong betting sites sa abroad na nanatiling paborito si Gazini Ganados ng Pilipinas at Miss Universe Thailand Paweensuda Drouin.

Nasa pangatlong puwesto naman na paborito ang pambato ng Brazil, El Salvador, Portugal, Puerto Rico at United States.

Sa betting odds naman sa UK ay nasa pangatlong puwesto ang Pambato ng Pilipinas habang nangunguna ang pambato ng Brazil.

Magugunitang noong nakaraang taon ay nanguna ang pambato ng bansa na si Catriona Gray sa online betting sites sa bansa.

Gaganapin ang Miss Universe coronation night sa Disyembre 9 sa Atlanta, Georgia.