-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Dumating na sa lalawigan ng Albay ang nasa 27 Miss Earth Candidates para sa isasagawang pre-pageant activities sa lalawigan.

Ayon kay Team Albay Org. Inc. coordinator John Orbeta sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, magpapatalbugan ang mga beauty queens mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa isasagawang resorts wear competition mamayang alas-8:00 ng gabi.

Subalit bago ang futuristic night pre-pageant competition ay magtutungo muna ang mga kandidata sa Camp General Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi kung saan sasalubungin ito ng mga hepe ng police stations sa lalawigan.

Dito magkakaroon ang mga kandidata ng tree planting activity at boodle fight kung saan tampok ang mga pagkain na ipinagmamalaki ng Bicol region.

Ayon pa kay Orbeta na magkakaroon rin ng pagkakataon ang publiko na makasalamuha ang mga kandidata sa gagawing auction ng mga produktong dala ng mga ito mula sa kani-kanilang bansa.

Kabilang sa mga nasa Albay ngayon ang kandidata ng Belgium, Chile, Colombia, Costa Rica, France, Japan, Peru, USA, Myanmar, Indonesia at marami pang iba.