(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nilalapatan pa ng medikasyon ang dalawang top political provincial candidates nang tinamaan ng bala mual sa suspected snipers habang nasa kasagsagan ng isang Chrismas party sa Tangub City,Misamis Occidental kagabi.
Kinilala ni Tangub City Police Station commander Maj Gerard Paul Duran ang mga biktima na sina incumbent Lopez Jaena Mayor Michael Gutierrez na tumatakbo na bise-gobernador at dating Oroquieta City Mayor Jason Almonte na kuma-kandidato naman bilang kongresista sa unang distrito ng lalawigan.
Sinabi ni Duran na habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan ang political lineup ni Misamis Occidental 2nd District Rep Henry Oaminal na tumatakbo ring gobernador ng probinsya ay biglang tumama ang hindi tukoy na uri ng bala sa lokasyon nila dahilan na tinamaan ang likuran na bahagi ng leeg ni Gutierrez at Almonte.
Bagamat ligtas si Oaminal at ang kanyang anak na isa ring abogado subalit binigyan pa ng karagdagang medikasyon si Gutierrez at katunayan ay inilipat sa isa pang ospital ng Ozamiz City.
Sa ngayon,hindi pa nagbigay ang pulisya ng anumang anggulo kung bakit tina-target ang kampo ni Oaminal.
Si Oaminal ay makikipaglaban pagka-gobernador kay incumbent Misamis Occidental Gov Philip Tan na dati nitong kaalyado ng politika sa probinsya.
Magugunitang si Tan ay nasa panig ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio samantalang si Oaminal ay nakalinya naman sa PDP-Laban Cusi faction ni President Rodrigo Duterte.