-- Advertisements --

Nabunutan ng tinik ang misis ni Bill Cosby kasunod ng kanilang apela laban sa guilty verdict sa American comedian.

Ayon kay Camille Cosby, nararamdaman nito na mababaligtad ang 2018 conviction sa kanyang mister dahil hindi naman talaga napanatunayan ang akusasyon sexual assault laban dito.

Una nang tiniyak ng Pennsylvania Supreme Court na pag-aaralan ang inihaing apela ng 82-year-old actor na kasalukuyang pinagsisilbihan ang hanggang sa 10 taong pagkabilanggo nito.

Ito’y bunsod ng kasong isinampa ng dating women’s basketball coach na nag-ugat noon pang 2004.

“My first reaction is hopefulness, possibilities,” saad ni Camille. “The state’s highest court … has said: Wait a minute. There are some problems here. They can be considered for an appeal.”

Nabatid na nasa special housing prison ang “Little Bill” star dahil ito ay bulag na. (OMG/CNN)