NAGA CITY – Nakasuhan na ng kasong parricide ang Misis na pumatay sa sariling nitong mister sa Brgy. Bulala, Santa Elena, Camarines Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Elmer Azores, hepe ng Santa Elena-PNP, sinabi nito na tuloyan na nilang naisampa ang nasabing kaso habang nasa kustodiya nila ang suspek na si Franz Gretchen Andes, 29.

Ayon kay Azores, pinansyal na problema ang pinag-ugatan ng pag-aaway ng mag-asawa.

Kung maaalala, umuwi umanong lasing ang biktimang si Emmanuel Andes at doon na nagkaroong ng pagaaway ang mag asawa na nauwi sa pananaksak ng babae sa kanyang mister.

Agad naman itong itinakbo sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrivla ng mga doktor.