-- Advertisements --

Nanawagan ang minorya sa Kamara sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ituloy na ang planong magtayo ng tulay na kokonekta sa Guimaras at Iloilo.

Ito ay kasunod ng trahedyang sinapit kamakailan ng tatlong bangkang lumubog sa Iloilo-Guimaras Strait dahil sa masamang lagay ng panahon.

Umaasa si House Minority Leader Bienvenido Abante na tuluyan nang maisama ng DPWH sa Build Build Build program ng pamahalaan ang Iloilo-Guimaras bridge.

Iginiit ni Abante na bukod sa maiiwasan na ang aksidente sa karagatan, mas gagaan ang buhay ng mga residenteng tumatawid sa dalawang probinsya para magtrabaho.

Sinabi naman ni Iloilo Rep. Janette Garin na hanggang sa walang kongkretong daan na nagkokonekta sa Iloilo at Guimaras, patuloy aniyang mahiharapan ang mga residente nito sa araw-araw. (photo: thebestofiloilo wordpress)