VIGAN CITY – Suportado umano ng halos 30 mambabatas sa Kamara at 10 senador ang itinutulak na substantial salary increase para sa mga guro sa bansa.
Dahil dito, natutuwa ang ACT Teachers’ Partylist dahil sa suportang natatanggap ng kanilang itinutulak na dagdag-sahod.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, muling sinabi ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na ang dagdag-sahod at benepisyo pa rin ang kanilang pangunahing itinutulak ngayong selebrasyon ng World Teachers Day hanggang sa makita nilang gumagawa ng hakbang ang pamahalaan.
Aniya, malaking bagay umano sa mga guro sa bansa kung matutupad ang kanilang itinutulak na dagdag-sahod dahil masusuklian nito ang lahat ng kanilang sakripisyo at paghihirap sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante.