-- Advertisements --
Muling nakapagtala ng minor phreatomagmatic eruption sa Main Crater ng Bulkang Taal kaninang alas-1:45 ng hapon.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 200-meter plume ang namataan sa kanilang observatory area.
Nananatili naman ang bulkan sa ilalim ng Alert Level 1 at patuloy na mino-monitor ang mga aktibidad nito.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ng pitong volcanic earthquakes at mataas na sulfur dioxide emission na umabot sa 732 tonnes kada araw.
Naobserbahan din ang pagtaas ng temperatura ng Main Crater Lake, indikasyon ng hydrothermal activity.
Ang plume ay kumalat sa hilagang-kanluran at nagdulot ng bahagyang abong ulap sa paligid ng Taal Volcano Island.















