Nangako ang karamihan sa myembro ng Minneapolis City Council na bubuwagin nila ang local police department bilang hakbang sa malawakang kilos-protesta dahil sa pagkamatay ni George Floyd.

Siyam sa 13 councilors ang nagsabi na kakailangan nila ng bagong modelo ng public safety sa lugar kung saan karamihan ng mga otoridad ang sangkot sa racism.

Una nang tinutulan ni Mayor Jacob Frey ang naturang hakbang subalit hindi ito sinuportahan ng kaniyang nasasakupan.

Sa pahayag na ibinahagi ng siyam na konsehal para sa daan-daang raliyista na nagtipon-tipon sa Minneapolis, sinabi ng mga ito na kakailanganin pa nilang pag-aralan ang naturang plano.

Binabalak din ng mga ito na ilaan na lamang sa community based strategies ang pondo na dapat ay para sa police department.

“We are here because here in Minneapolis and in cities across the United States it is clear that our existing system of policing and public safety is not keeping our communities safe,” saad ni City Council President Lisa Bender.

“Our efforts at incremental reform have failed. Period.”