-- Advertisements --
Dumipensa si Minglanilla Cebu Mayor Elanito Peña matapos maturukan ito ng Astrazeneca vaccine kahapon, Marso 23 kasabay ng unang araw ng pagbabakuna sa Rural Health Unit(RHU).
Inihayag pa ni Peña na kinokonsidera niya ang sarili bilang isa sa mga frontliners sapagkat siya ang namumuno sa COVID-19 Task Force ng nasabing bayan.
Inamin naman ng alkalde na hindi nito alam na hindi pa kasali sa prayoridad na mabakunahan ang mga opisyal ng gobyerno.
Samantala, ibinunyag ni Department of Health – 7 spokesperson Dr. Mary Jean Loreche na hindi nakipag-ugnayan at hindi sila kinunsulta ng lgu bago bakunahan ang alkalde.