CAGAYAN DE ORO CITY – Magpupulong na ngayong araw ang pamunuan ng Lanao del Sur Provincial Police Office at Mindanao State University (MSU)-Marawi campus kasunod ng insidente ng pamamaril ng isang estudyante sa loob ng unibersidad.

Ayon kay provincial director police Col. Madzgani Mukaram, patuloy na iniimbestigahan ng kanilang hanay ang kaso dahil wala umano masyadong lumalapit na saksi.

Nabatid din na sita ang CCTV ng unibersidad.

Sa ngayon patuloy na nagpapagaling sa ospital ang biktimang estudyante na si Ivan Almeda.

Kakausapin naman ni Mukaram si MSU-Marawi Pres. Habib Macaayong para sa posibleng koordinasyon ng pulisya at eskwelahan.

Pinayuahn din nito ang school official na silipin ang mga hakbang na ginagawa ng peace keeping force nito sa gitna ng mga parehong insidente.