CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayuhan ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum ang mga apektadong negosyante at mga residente sa yumanig na 6.3 magnitude na lindol na iwasan muna gamitin ang kanilang mga ari-arian.
Tinukoy ni Solidum ang kanilang mga gusali o kaya’y bahay na nagkaroon ng mga sira nang tumama ang malakas na lindol sa malaking bahagi ng Mindanao, kung saan namataan ang sentro sa North Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Solidum na mas makabubuti kung hindi muna ipapagamit ng ilang negosyante ang kanilang mga opisina o kaya’y bahay ng apektadong mga residente para makaiwas sa anumang sakuna.
Ginawa ng opisyal ang paalala dahil sa patuloy na aftershocks sa mga lugar na dinaanan ng lindol na maaaring makadagdag puwersa para tuluyang bumigay ang nakitaan ng mga bitak sa mga gusali o kalupaan na peligro sa mga pagguho.
Unang nagkaroon ng malaking pinsala sa ilang business establishments at kumitil ng maraming buhay ng tao ang lindol, matapos kumilos ang fault line nang tinulak ng Indonesian archipelago ang Mindanao noong nakaraang gabi.