-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mahigpit pa rin ang monitoring ng Office of Civil Defense (OCD) Region 12 sa iba’t-ibang mga bayan sa buong rehiyon dahil sa sunod-sunod at malalakas na aftershocks na naitala kasunod ng tumamang magnitude 6.3 na lindol sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay OCD 12 assistant regional director Jerome Barranco, nakapagtala na ng halos 2,700 bahay mula sa mga pagyanig.

Mayroong partially at totally damaged, maliban pa sa mga commercial buildings at mga paaralan.

Sa ngayon ay umakyat na sa tatlo ang patay mula sa M’lang, Alamada; at Makilala, North Cotabato; habang nasa mahigit 100 na ang sugatan at nagka-anxiety attack na isinugod sa mga bahay pagamutan ngunit karamihan ay nakalabas na.

Samantala, may mga evacuee lalo na mula sa mga nakatira malapit sa Mt. Apo at may mga naitala na ring landslide sa Tulunan, Makilala at Kidapawan City.

Nasa mahigit 600 aftershocks na rin ang naitala kung saan hinimok ng OCD ang publiko na manatiling alerto at huwag kalimutan ang “duck, cover and hold” sa oras ng lindol.