Humakot ang pelikulang “Mindanao” na pinagbidahan ni Judy Ann Santos sa katatapos na 38th Luna Awards.

Nakakuha kasi ito ng anim na award sa kabuuang 12 na award.

Kabilang sa nakuha nito ay ang Best Picture at Best Actress na pinagbidahan ng actress.

Patungkol ang pelikula sa isang ina na inaalagaan ang anak na babeng may cancer sa kasagsagan ng kaguluhan sa nasabing rehiyon.

Ilan sa mga nakuhang award ng nasabing pelikula ay ang Best Director sa pamumuno ni Brillante Mendoza, Best Musical scoring, Best Production Design, Best Cinematography at Best Screen play.

Tinanghal naman na best actro si Jansne Magpusao sa pagganap nito sa pelikulang “John Denver Trending”.

Ginawaran naman ng special award si German Moreno habang FPJ Memorial Award naman ang iginawad kay Nick Lizaso.