-- Advertisements --
image 135

Naapektuhan ng data breach sa sistema ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang milyun-milyong katao.

Ito ang inihayag ni Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy.

Subalit maaaring bumaba pa aniya ang bilang dahil sa nakitang duplicates o nadobleng files.

Maaari aniyang ibenta ng hackers ang leaked information sa scammers at phishers dahil nga nabigo itong makuha ang hinihingi nitong ransom money.

Kasalukuyan pa aniyang tinutukoy ng mga imbestigador kung ang mga hacker ay mga Pilipino o banyaga.

Kung matatandaan, una ng ibinunyag ng DICT na inexpose mg Confucius group ang kopiya ng mahigit 600 gigabytes ng files sa website at sa Telegram channel dalawang araw matapos na deadline para sa ransom na nagkakahalaga ng $300,000 o tinatayang P17 million.

Makikita sa video ang na-leak na impormasyon gaya ng mga larawan, bank cards, at transaction receipts ng mga biktima.