-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Halos nasa 80 porsyento o milyun-milyong halaga ng mga pananim ang nasira matapos nilamon ng baha dahil sa patuloy na pagragasa ng ulan sa Mamasapano, Maguindanao.

Base sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Koronadal, halos karamihan sa mga palay na napinsala ng pagbaha ay ang mga aanihin na sana ngayong buwan.

Lugmok naman ang nararamdaman ng ilang mga residente dahil marami sa kanila ay sa sakahan lamang kinukuha ang pangunahin nilang pagkakitaan.

Napag-alaman na marami rin sa mga ito ang lumikas mula sa kani-kanilang pamamahay dahil sa taas ng lebel ng tubig at walang dala kahit ni-isa.

Pinasisiguro naman ng lokal na pamahalaan ng Bangsamoro na bibigyan ng tulong ang mga apektadong residente.

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang damage assesement ng MDRRMO-Mamasapano.