-- Advertisements --

Muling nahalal bilang Formula 1 Driver of the Year si Max Verstappen.

Ito na na ang pang-limang taon kung saan ibinoto siya ng kapwa drivers kahit na bigo itong makuha ang ika-limang magkakasunod na world championship.

Pumangalawa naman sa puwesto si season champion Lando Norris ng McLaren habang nasa pangatlong puwesto si George Russell ng Mercedes , habang pang-apat naman si Oscar Piastri ng McLaren at Charles Leclerc ng Ferrari sa pang-limang puwesto.

HIndi naman nakasama sa listahan si Lewis Hamilton ng Ferrarir sa unang pagkakataon mula noong 2018.