Nasamsam ng mga otoridad ang mga mamahaling klase ng bag na may kaugnayan sa 1Malaysia Development Bhd (1MBD) scandal kung saan sinulatan nila ang mga ito ng “magic ink” marker pens.
Isiniwalat ng abogado na si Tan Sri Muhammad Shafee Abdullah, representative ng dating prime minister ng Malaysia na sa Najib Razak, na hindi umano naging maingat ang mga otoridad kahit alam ng mga ito ang halaga ng mga naturang bag.
“There was no respect whatsoever for the items. The handbags are worth millions and that was how they treated it,” wika nito.
Napansin na lamang umano ng asawa ni Najib na si Rosmah Mansor at kaniyang abogado ang ginawa ng mga pulis sa bag noong inspeksyunin ito sa Bank Negara.
Ayon pa kay Shafee na hindi sinunod ng mga pulis ang procedure nang kunin nila ang mga gamit.
Pinasinungalingan naman ang mga paratang na ito ni Deputy Public Prosecutor Faten Hadni Khairuddin. Aniya ang mga bag ay kaagad itinago sa isang vault sa Bank Negara at tanging mga authorised personnel lamang ang pinapayagan na magbukas nito.
Taong 2019 nang maghain ang prosecution ng application para bawiin ang lahat ng assets na pagmamay-ari ng Ibyu Holdings Sdn Bhd na hinihinala namang sangkot sa IMDB fund na paglabag naman sa Anti-Money Laundering, Anti-Terrorism Financing at Proceeds of Unlawful Activities Act 2001.