batangas
-- Advertisements --

Arestado ang isang miyembro ng Civilian Active Auxiliary (CAA) sa isinagawang buy-bust operation sa Batangas.


Kinilala ang suspek na si Enrique Orolfo, 45-anyos, residente ng Barangay Sto. NiƱo, Taysan, Batangas.

Nakuha sa suspek ang tatlong maliit plastic heat sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, P500 bill marked money, Caliber. 38 na baril at live ammunition.

Inaasahan naman na mababawasan ang bentahan ng iligal na droga sa nasabing barangay at kalapit pang lugar sa pagkakaaresto ng suspek.

-- Advertisement --

Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng suspek.