-- Advertisements --
Walang balak ang South Korea na itigil ang military exercise nila ng US.
Sinabi ni Choi Jong-kun ang secretary for peace planning to South Korean President Moon-Jae-in, na hindi nakakasakit ang nasabing miltary exercise at ito ay para sa pagpapalakas ng pakikpag-alyansa ng dalawang bansa.
Paglilinaw nito na mas malaki ang posibilidad na magkaroon lamang ng computer simulations ang nasabing exercise.
Magugunitang ikinagalit ng North Korea ang nasabing simulation exercise at nagbanta pa sila na muling magsasagawa ng missile test.
Ipinagsawalang bahala naman nito ni US Secretary of State Mike Pompeo ang nasabing banta at sinabing hindi dapat sila mabahala.