-- Advertisements --

alfredo

Isang sundalo ang napaulat na nasugatan, matapos makasagupa ng mga tropa ng 18th Infantry Battalion ang nasa 10 armadong miyembro ng Abu Sayyaf members sa may bahagi ng Sitio Bato Maputi, Barangay Baguindan, Tipo-Tipo sa probinsiya ng Basilan.

Ayon kay Western Mindanao Command (WESMINCOM) Spokesperson Major Andrew Linao, nagsasagawa ng combat operations ang mga sundalo ng makasagupa nito ang bandidong grupo sa ilalim ng pamumuno ni Pasil Bayali.

Batay sa paunang report, pinaniniwalaang may mga sugatang bandido dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa route of withdrawal ng teroristang grupo.

Sa panig naman ng militar, isang sundalo ang nasugatan na kasalukuyan ng ginagamot.

Patuloy ang isinasagawang operasyon ng militar laban sa teroristang Abu Sayyaf.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Western Mindanao Command (WESMINCOM) Chief, LtGen. Alfredo Rosario, walang tigil ang militar sa pagtugis sa mga teroristang grupo na naghahanap lamang ng magandang pagkakataon para makapag hasik ng karahasan.

” Our troops continue to employ both military and non-military operations to neutralize the enemies of the state. We are here to convince them to return to the folds of the law, but if they refuse to do so, we will surely hunt them down,” pahayag ni Lt.Gen. Rosario.