CENTRAL MINDANAO-Itinanggi ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sila ang nagpaputok sa mga pulis at sundalo sa Brgy New Panay Aleosan North Cotabato.

Ayon sa tagapagsalita ng MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces na si Von Alhaq na hindi umano mga myembro nila ang nagpaputok sa mga tauhan ng Aleosan PNP at 7th Infantry Battalion Philippine Army sa Purok 7 Brgy New Panay Aleosan Cotabato,

Matatandaan na grupo umano ni Musa Madidis ng MILF ang nagpaputok sa mga sundalo.

Posibling myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nagpaulan ng bala sa mga sundalo at pulis na sakay ng kanilang sasakyan na augmentation force sa mga nagbabantay sa halalan.

Walang nasugatan sa pagpapaputok ng mga armadong grupo at pagganti ng mga otoridad ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.