miley cyrus
Miley Cyrus

Masayang ipinamalita ni Miley Cyrus ang pagsasagawa nito ng concert sa Australia para sa mga biktima ng bushfire doon.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ng singer na isasagawa ang benefit concert sa Lakeside Stadium, sa Albert Park sa darating na March 13.

Ang kikitain sa concert ay mapupunta sa Australian charities na tumutulong sa pag-restore ng mga nasunog na kagubatan, wildlife at komunidad na apektado ng malawakang sunog.

May malaking bahagi sa puso ng singer ang Australia dahi taga doon ang dating asawa niyang si Liam Hemsworth at ang kasalukuyang nobyo na si Cody Simpson.

Magugunitang aabot sa 13 milyon hektarya ng lupain ang natupok ng apoy sa New South Wales , Sydney at Canberra na nagsimula noong Setymbre.