Ibinunyag ng singer na si Miley Cyrus na hiwalay na sila ng nobyong si Cody Simpson.

Hindi naman nito binanggit ang dahilan gn paghihiwalay nilang dalawa.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong Oktubre 2019 ilang buwan matapos ang pakikiparelasyon nito kay Kaitlyn Carter at ang paghihiwalay nila ng actor na si Liam Hemsworth.
Noong Nobyembre 2019 ay si Cody rin ang nagbantay kay Miley noong ito ay nagpa-vocal cord surgery.