CENTRAL MINDANAO-Pormal ng nanumpa bilang alkalde ng bayan ng Midsayap Cotabato si Mayor-elect Rolly ‘Ur Da Man’ Sacdalan.
Nanumpa si Sacdalan sa ina ng serbisyong Totoo sa probinsya kay Cotabato Vice-Governor at Governor-elect Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.
Todo pasasalamat si Sacdalan sa mga sumuporta sa kanya at naniniwala sa kanyang kakayahan na babangon ang bayan ng Midsayap para sa totoong pagbabago.
Ibinahagi din ni Mayor Sacdalan ang kaniyang mga pinagdaanan sa mga nakalipas na halalan na aniya’y hindi biro at nagbigay sa kaniya ng pangaral.
Tapos na ang eleksyon at panahon na ng pagkakaisa tungo sa mapayapa at maunlad na bayan.
Ayon kay Sacdalan bukas ang munisipyo ng Midsayap sa lahat bomoto man o hindi bomoto sa kanya.
Tiniyak rin ng bagong halal na alkalde na magkakaroon ang bayan ng gobyernong tapat at malasakit sa taumbayan.
Kasabay nito ay nanumpa din kay Governor-elect Mendoza si Vivencio ‘Dok Toto’ Deomampo bilang bise alkalde ng bayan.
Samantala, ang mga nanalong konsehal na sina Butchik Doletin, Tweety Araña, Bongga ka Clai Ostique, Kap Ian Ostique, Tata Mantil, Balong Bayya, Toping Jatico at Abet Garduque ay nanumpa sa kanilang katungkulan kay RTC Judge Rainera Osua.
Sinabi ni Mayor Elect Rolly Sacdalan na sa loob ng 100 days sa kanyang panunungkulan ay agad maramdaman ang totoong pagbabago at serbisyong totoo sa mamamayan ng Midsayap.
Naging emosyunal naman si Sacdalan ng maalala nito ang kaibigan na si dating Libungan Cotabato Mayor Christopher “Amping”Cuan na pinaslang ng mga hindi kilalang suspek at ang kanyang driver na hanggang ngayon di pa nakakamit ang hustisya.
Prayoridad ni Sacdalan ang kaunlaran,pag-angat ng ekonomiya,peace and order,ibat-ibang proyekto para kapakanan ng mamamayan ng Midsayap.