Itinalaga ni US President Donald Trump ang kaniyang ka-alyado na si Mark Meadows, mambabatas mula North Carolina, bilang bagong chief of staff ng White House.
Si Meadows ang papalit kay Mick Mulvaney na tulad niya ay dati ring parte ng House Freedom Caucus.
Naging malapit na ka-alyado ni Trump si Meadows sa Capitol Hill kung saan regular silang nag-uusap para mapanatili ang magandang samahan ng Republicans. Ipinagtanggol din ni Meadows ang American president habang kasagsagan ng impeachment trial nito.
Itinalaga naman ng presidente si Mulvaney bilang special envoy ng Estados Unidos sa Northern Island.
Nagbunsod ang desisyon na ito matapos magsagawa ni Mulvaney ng isang press conference sa White House noongn Oktubre kung saan ipinagkibit-balikat lamang nito ang mga kritisismo na ibinabato sa Trump administration tungkol sa di-umano’y corrupt deal nito kasama ang Ukraine.
Ikinagalit umano ni Trump ang naging pahayag ni Mulvaney.
Kalaunan ay binawi nito ang kaniyang pahayag sa pamamagtan ng isang written statement, “Let me be clear, there was absolutely no quid pro quo between Ukrainian military aid and any investigation into the 2016 election.”