Pinasalamatan ni Mick Jagger ang kaniyang fans dahil sa panalangin para ito ay mabilis na gumaling.

Ito ay matapos na sumailalim ang frontman ng Rolling Stones ng heart valve replacement.

Sa kaniyang Twitter account, bukod sa mga mensahe ng mga fans ay nagpasalamat din ito sa mga hospital staff dahil sa pag-aalaga sa kaniya.

Magugunitang una nang humingi ng paumanhin ang 75-anyos na singer sa kaniyang mga fans matapos kanselahin nila ang mga concert tours dahil sa payo na rin ng kaniyang doktor.

Tiniyak naman nito na babalik agad sa mga concerts kapag tuluyan ng itong gumaling sa kaniyang sakit.