-- Advertisements --

Ibinunyag ng actress na si Michelle Madrigal na inaayos na nila ng kaniyang asawang si Troy Woolfolk ang kaniyang paghihiwalay.

Sa kanilang social media account ay isinagawa ang anunsiyo na mahal pa rin nila ang isa’t-isa pero hindi na sila nagsasama.

Inaayos na lamang aniya nila ang kanilang divorce.

Nilinaw nito na magkaibigan pa rin sila at ginagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang magulang.

Nagkakilala ang dalawa sa US noong 2016 habang nag-aaral ng culinary arts ang actress.

Isinilang ng actress ang anak nilang si Anika noong 2017 at ikinasal ang dalawa noong Abril 2019.