-- Advertisements --
airport

Walang natatanggap ang pamunuan ng Manila Internatioanl Airport na anumang banta sa seguridad sa mga paliparan ngayong long weekend.

Iginiit ni MIAA Assistant General Manager for Emergency and Security Brigadier General Manuel Gonzales, palatandaan ito ng maayos na pagbabantay sa seguridad ng mga paliparan, at mga dadagsang pasahero.

Maalalang sa mga nakalipas na linggo ay naging sentro ng balita ang mga paliparan dahil sa mga bomb joke o bomb threat sa mga paliparan ng bansa.

Ayon sa CAAP, patuloy nila itong iniimbestigahan.

Una nang sinabi ng MIAA na posibleng aabot sa 120,000 na pasahero ang dadagsa sa NAIA kada araw, kasabay ng long weekend dala ng nakatakdang halalan sa Oktubre 30 at ang paggunita sa araw ng mga kaluluwa at araw ng mga santo.