Inihayag ng Manila International Airport Authority na wala silang naitatalang posibleng flight cancellations dahil sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga airport na uuwi na kanilang mga probinsiya.
Ayon kay Manila International Airport Authority Asst. Gen. Manager Bryan Co, maayos pa naman daw ang lahat ng nakatakdang schedules ng mga eroplano pati na ng mga pasahero.
Inihayag ng opiyal na nananatiling “manageable” ang mga flight schedules palabas o papasok man ng ating bansa.
Gayunpaman, may posibilidad na madelay ang ibang flights o makansela dahil sa iba pang mga aberya na maaaring mangyari na hindi inaasahan.
Dagdag pa ni Co, na nakahanda naman ang ahensya sa mga posibleng insidente sa loob ng paliparan.
Tulad na lamang ng re-accomodation para sa mga pasaherong makakaranas ng delay sa mga paliparan.
Una rito, ang mga flight aniya ay nakapagtala ng higit sa 80% on time performance (OTP) mula noong Lunes, na kwalipikado sa pandaigdigang pamantayan nito.