-- Advertisements --
image 287

Pansamantalang sinuspinde ng Manila International Airport Authority ang flight at ground operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay dahil sa red lightning advisory na inilabas ng kinauukulan.

Ang naturang advisory ay inilabas ng Manila Intl Airport Authority Ground Operations and Safety Division (AGOSD) para na rin sa kaligtasan ng mga mananakay.

Ang alert ay isang hakbang sa kaligtasan na ginawa upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente na mangyari kapag ang mga kidlat ay laganap sa himpapawid at maaaring magdulot ng panganib sa mga tauhan, pasahero at maging sa mga operasyon ng paglipad ng eroplano.

Sa ngayon, ang ibang mga pasahero ay nananatili nang pansamantala at hinihintay ang pagbabalik ng normal na operasyon ng NAIA.