-- Advertisements --
MGen. Steve Crespillo

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si MGEN Steve Crespillo bilang ika-17 commander ng AFP Western Mindanao Command.

Sa isang statement ay sinabi ni Department of National Defense Spokesperson Arsenio Andolong, bago maitalaga bilang bagong pinuno ng AFP Western Mindanao Command ay nanungkulan muna si Crespillo bilang vice commander ng Philippine Army na siya ring nangangasiwa sa mga pangunahing patakaran at programa nito.

Siya ay nagsilbi ring commander ng 501st Infantry Brigade kung saan pinangunahan din niya ang pakikipaglaban ng kasundaluhang kaniyang nasasakupan upang sugpuin ang local communist armed conflict sa Apayao at Cagayan.

Bukod dito ay naging Chief of Staff at Assistan Division Commander Reservist at Retiree Affairs din siya ng 6th Infantry Division, at Acting Commander ng 601st Infantry Brigade.

Dati na rin siyang nagsilbi sa WESMINCOM bilang Chief of the Unified Command Staff na nangangasiwa naman sa mga operasyon sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

Si MGEN. Crespillo ay nagmula sa “Bigkis Lahi” Class of 1990 ng Philippine Military Academy.