-- Advertisements --

Naniniwala ang Malacañang na hindi imposibleng mailagay na modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila Nobyembre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, posible ito dahil napababa na ang COVID-19 cases sa Metro Manila at alam na natin ang dapat gawin gaya ng pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas at pag-iwas o pagdistansya.

Ginawa ni Sec. Roque ang pahayag kasunod ng statement ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council na maaari ng i-downgrade ang quarantine status ng Metro Manila sa Nobyembre o ilagay na ito sa MGCQ mula sa kasalukuyang general community quarantine (GCQ) status.

Pero mangyayari lang daw ito kung patuloy sa pagbaba ng COVID-129 cases rehiyon at susundin ng mamamaya ang minimum health protocols.

“It is not an impossibility dahil talaga naman po napababa natin [ang COVID-19 cases] pero nasa kababayan pa rin natin ‘yan sa Metro Manila. Alam na po natin ang dapat gawin: mask, hugas, iwas,” ani Sec. Roque.