Hindi papayagan ng Philippine National Police (PNP) si US Senator Edward Markey at iba pang dayuhang mambabatas na makipag-ugnayan kay dating Senador Leila de Lima kung bibisita sila sa Custodial Center ng pulisya sa Camp Crame sa Quezon City.
Ayon kay Police Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, hepe ng PNP-Public Information Office, na papayagan nila si Markey at iba pang mambabatas sa US na makipag-usap kay De Lima kapag kukuha sila ng pahintulot mula sa mga judicial authorities, partikular sa mga korte na humahawak sa kanilang mga kaso.
Aniya, laging handa ang PNP Headquarters Support Service para magpresenta ng briefing para sa visiting delegation.
Ang PNP ay magpapaabot ng lubos na kagandahang-loob at tulong sa isang dayuhang delegasyon mula sa Senado ng Estados Unidos na titingnan ang mga kondisyon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, na naaayon sa umiiral na mga alituntunin at pamamaraan sa mga pribilehiyong bisita sa pasilidad ng detensyon,
Gayunpaman, hindi kasama sa naturang accommodation ang direktang pakikipag-ugnayan sa sinumang Person Under Police Custody (PUPC) na nakakulong sa detention facility, partikular na ang PUPC na ginawa ng Korte sa pag-iingat ng PNP.
Nauna nang lumabas ang ulat na ang mga mga mambabatas ng US ay nagpahayag ng kanilang intensyon na bisitahin si De Lima na nakakulong sa Camp Crame ng mahigit 2,000 days na ngayon.