-- Advertisements --

Pinayagan nang makapagpabakuna sa lungsod ng Marikina ang mga residente ng San Mateo, Rizal.

Ito ay kasunod ng programang “Vax as One” na itinulak mismo ng mga lokal na opisyal para sa target na community protection.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, karamihan sa kanilang mga mamamayan ay naturukan na ng COVID vaccines, kaya nais nilang makatulong sa mabilis na pagbabakuna.

Sa hakbang na ito, hindi lamang ang mga bakuna ang ibinabahagi ng kanilang syudad, kundi maging ang mga pasilidad para sa mabilis na pagtuturok sa mga qualified na residente ng San Mateo, Rizal.

Gayunman, hindi pa rin umano papayagan ang mga walk-in para maiwasan ang siksikan.

Online pa rin ang registration at bibigyan ng eksaktong oras ang mga magpapabakuna para maiwasan ang siksikan sa vaccination area.