Nakapagtala ang Department of Social Welfare and Development ng nasa 495 barangay mula sa walong rehiyon sa bansa na apektado ng Habagat at bagyong Crising.
Batay sa ulat ng ahensya, aabot sa 68,209 pamilya o 215,599 indibidwal ang naapektuhan ng masamang lagay ng panahon.
Ang datos na ito ay naitala mula Hulyo 17, 2025 hanggang ngayong araw, Hulyo 19.
Nagmula ang naturang bilang sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 7, 9, at maging sa MIMAROPA.
Sa ngayon aabot sa mahigit 5,300 pamilya o higit 17, 300 indibidwal ang nananatili sa mga itinalagang evacuation centers ang iba naman ay tumuloy na lamang sa kanilang mga kaanak.
Sa datos naman na inilabas ng ahensya , aabot sa 34 kabahayan ang totally damaged at nasa 242 bahay naman ang nasira.
Aabot naman sa higit Php 4.1 milyong halaga ng tulong ang naihatid ng ahensya sa mga apektadong pamilya mula sa mga nabanggit na rehiyon.