-- Advertisements --

Humihirit ng tulong mula sa gobyerno ang grupo ng travel agencies sa bansa matapos na maapektuhan ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni Michelle Victoria, vice chairperson ng Philippine Travel Agencies Association, mula ng ipatupad ang travel restriction ay bumaba na at ang iba ay halos wala ng kinikita.

Abala na lamang ang karamihan sa kanila ng pag-aayos ng mga refund ng kanilang mga kliyente na nakansela ang mga biyahe.

Tiniyak naman ng Department of Tourism na kanilang tutulungan ang mga travel agencies para mapasigla muli ang turismo sa bansa.