-- Advertisements --

Umaasa ang ilang transport group na mapagbibigyan sila ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang kahilingan na kung maaari ay maging-exempted sila sa computerization sa tuwing nagpaparehistro.

Ayon kay Obet Martin ag pangulo ng PASANG MASDA, na maraming mga PUV operators at drivers ay hindi gaano marunong sa mga computer at digitalization.

Dahil dito ay napipilitan sila na lumapit sa mga fixers para maisaayos ang kanilang mga papeles.

Nauna ng sinabi ng LTO at LTFRB na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang computerization at digitalization sa kanilang ahensiya para mapabilis ang proseso ng kanilang mga papeles at dokumentong kakailanganin.