-- Advertisements --

Pagbabawalan na ng International Rugby League (IRL) ang mga transgender women na lumahok sa anumang torneo nila.

Sa inilabas na kautusan ng IRL na hindi papayagan ang mga male-to-female transgender athletes na sumali sa women’s division.

Magsasagawa sila ng pag-aaral at pagbabago na maaring ipatupad na sa darating Rugby League World Cup sa darating na Oktubre 15 na magaganap sa England.

Naayon din ito sa kautusan ng International Olympic Committee (IOC) na ipinapaubaya na sa mga sports federation sa pagbabawal ng mga transgender athletes.

Nauna rito ipinagbawal din ng International Swimming Federation (FINA) at International Cycling Union (UCI) ang mga transgender na sumali sa kanilang torneo.