-- Advertisements --
image 338

Pinangangambahan pa ngayon ng mga kinuukulan na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga tourist sites na apektado na ng malawakang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa bahagi ng Oriental Mindoro.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Tourism (DOT) ng 61 mga tourist sites na naapektuhan na ng oil spill.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ngayon ang mga regional offices ng Department of Tourism sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Environment and Natural Resources, Philippine Coast Guard, at gayundin sa mga local government unit ukol dito.

Ngunit sa kabila nito ay iniulat din ng DOT MIMAROPA regional director Zeny Cinco Pallugna na nananatili pa rin bukas para sa mga turista ang Puerto Galera na sentro ng atraksyon sa lalawigan ng Mindoro.

Bagama’t marami-rami na rin aniya ang apektadong lugar ng naturang oil spill ay iniulat din ni Pallugna na marami pa rin aniyang ibang tourist attractions sa nasabing lalawigan. // mars