-- Advertisements --

Nag-inspeksyon ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilang transport hubs at terminals sa Metro Manila para i-monitor ang peace and order situation bago ang araw ng Pasko.

Pinangunahan ni NCRPO chief Lt. Col. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pag-inspeksyon sa ilang bus at jeepney terminals at train stations sa Pasay City, Manila at Quezon City.

Bukod sa mga transport hub, nagsagawa rin ang NCRPO ng mga inspeksyon sa iba pang places of convergence, tulad ng mga simbahan, palengke at mall.

Kabilang sa mga pampublikong lugar na binisita ng mga opisyal ng NCRPO ay ang Baclaran Church, Quiapo Church, Quiapo Flea Market at Gateway Mall.

Ayon kay Nartatez, pinaigting ng NCRPO ang police visibility sa buong metropolis para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa panahon ng holiday festivities.

Nagtalaga na rin ng mga tauhan ng pulisya sa Metro Manila noong Disyembre 1 para magpatrolya at tumugon sa mga emergency.