-- Advertisements --
Hindi muna papayagan ng Bureau of Immigration (BI) na mag-leave sa panahon ng semana santa ang mga tauhan nila na nakabase sa mga pangunahing paliparan sa ating bansa.
Layunin nitong matiyak na may sapat silang tauhan sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Lenten break.
Sa panahon kasing ito ay karaniwang bumubuhos ang malaking volume ng international travelers.
Epektibo ngayong araw, April 7 hanggang sa April 15 ay hindi na inaprubahan ng BI ang aplikasyon para sa leave of absence ng mga immigration personnel.
Gayunman, ang ibang tauhan ng kanilang tanggapan na walang gaanong gagampanan sa nasabing period ay hahayaan naman para makapag-avail ng kanilang ilang araw na bakasyon.