CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsagawa ng prayer rally ang mga residente at tagasuporta ng mga natalong kandidato sa katatapos lamang na midterm election sa Marawi City at Lanao del Sur.

Isinagawa ang rally sa Macarambon hall, Barangay Matampay upang kondenahin ang umano’y nangyaring pandaraya at vote buying sa Marawi City at Lanao del Sur.

Bitbit ang mga placards na may nakasulat na “Vote-buying doesn’t help Marawi rise again, think about it,” o “Vote-buying is the dirty work of Shaitan, a Satan” ay nanawagan ang libo-libong mga raliyista kay Presidente Rodrigo Duterte na imbestigahan ang nangyaring umano’y pre-shading ng mga balota.