Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Naniniwala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kailangang maging open-minded ang mga residente ng Baguio City sa PUV modernization program.

Iginiit ng alkalde na kailangang maging handa ang mga mamamayan sa pagbabago at development.

Gayunpaman, aminado ang opisyal na maraming magiging problema sa programa.

Sa kabila nito, tiniyak ni Magalong na magtatagumpay ang programa sa pamamagitan nang maayos na komunikasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga stakeholders.

Idinagdag ng alkalde na laging nakahanda ang Department of Transportation (DOTr)-Cordillera at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumagot sa mga katanungan ng drivers at operators ukol sa jeepney modernization program.